Hindi na nakasagot ang heneral at sumuko na laamng ito.Ibinaling ni Kendrick ang kanyang tingin kay Thor. Ang kanyang mata na kulay lupa sa mukha ng isang prinsipe at isang mandirigma.
"Bibigyan lamang kita ng isang pagkakataon." Paliwanag ni Kendrick. "Tingnan natin kung kaya mong tamaan ang markang nasa gitna"Itinuro nito ang isang tumpok ng damo na may pulang marka sa gitna. Ilang sibat na ang nakatusok dito ngunit wala pa kahit isa ang nakatama sa pulang marka."Kung makakaya mong gawin ang hindi kaya ng karamihan sa mga naririto, kung kaya mong tamaan ang pulang marka, tatanggapin ka namin sa Legion."Umatras ang mandirgma at naramdaman ni Thor ang mga mata na nakatingin sa kanya.Nakita niya ang lalagyan na puno ng mga sibat at tiningnan niya ito ng mabuti. Ang mga ito ay yari sa pinakamatitibay na uri ng kahoy na binalutan ng balahibo. Bimils muli ang tibok ng kanyang puso habang pinupunasan niya ng kanyang kamay ang dugo mula sa kanyang ilong. Ngayon lamang siya kinabahan ng ganito. Binigyan siya ng halos imposibleng pagsusulit. Ngunit kailangan niya pa din itong subukan.Humakbang si Thor at kumuha ng sibat na hindi masyadong mahaba at hindi rin naman maikli. Tinimbang niya ito sa kanyang mga kamay, mabigat ito. Hindi tulad ng kanyang ginagamit na sibat sa kanilang nayon. Ngunit mahusay ang kanyang pakiramdam. Baka sakali na matamaan niya ang pulang marka. Sumakatuwid, ang paggamit ng sibat ang isa sa kanyang mga kakayahan bukod sa paggamit ng tirador. At marahil dahil sa kanyang paglilibot sa mga burol ay nakapagsanay na siya ng husay. Madalas niyang natitira ang mga marka na kahit ang kanyang mga kapatid ay hindi kayang tamaan.Ipinikit ni Thor ang mga mata at huminga ng malalim. Kung hindi siya magtagumpay, huhulihin siya ng mga kawal at ang pangarap niya na mapabilang sa Legion ay habangbuhay nang masisira. Nakasalalay ang lahat sa gagawin niyang ito.Nagdasal siya sa panginoon.Ng walang pagaalinlangan, humakbang ng dalawa si Thor at inihagis ang sibat.Tumigil ang kanyang paghinga habang pinagmamasdan ang sibat sa ere.Pakiusap panginoon.Ang sibat ang nagpatahimik sa buong paligid. Lahat ng mga mata ay nakatingin dito.At makalipas ang ilang segundo, isang tunog ang dumating, ang tunog ng sibat na tumusok sa umpok ng mga dayami. Hindi na kailangang tumingin ni Thor. Isa itong perpektong tama. Ito ang pakiramdam na nagpahiwatig sa kanya habang hawak niya ang sibat na kakayanin niya itong tamaan.Unti unti itong tiningnan ni Thor at tama nga siya. Tumama ang sibat sa pulang marka, ang unang sibat na nakatama rito. Nagawa niya ang hindi kayang gawin ng mga kalahok.Nagsimula ang mga bulong bulungan galing sa mga manunuod at ibang mga kalahok.Lumapit si Kendrick at tinapik si Thor sa balikat na may pagkamangha. Ngumiti ito."Tama ako," sabi ni Kendrick "Mananatili ka dito.""Ano?!" Ang sigaw ng mga kawal. "Ngunit hindi ito patas. Pumasok siya ng walang pahintulot."
"Tinamaan niya ang marka. Sapat na sa ang aking nakita"
"Masyado pa siyang bata at hamak na mas maliit kumpara sa iba. Wala tayong lugar para sa katulad niya" ang sambit ng heneral.
"Mas nanaisin ko pa ang isang bata at maliit na tulad niya na kayang tamaan ang marka kaysa isang malaking tao na hindi kaya" ang sagot ni Kendrick
"Sinuwerte lamang siya!" Sigaw ng lalaki na kinalaban ni Thor. "Kung susubukan pa namin, siguradong tatamaan din namin ang marka."
Lumingon si Kendrick at tinitigan ang lalaki.
"Kaya mo?" Tanong niya. "Maari ko bang makita ngayon? Maari ba nating itaya ang pananatili mo dito?"
Napayuko lamang ang lalaki. Malinaw na hindi nito kayang tanggapin ang hamon.
"Ngunit hindi natin kilala ang batang ito," paliwanag ng heneral. "Hindi natin alam kung saang lupalop siya nagmula."
"Nanggaling siya sa isang nayon sa ilalim ng mga burol.", isang boses ang noon ay nagsalita
Lumingon si Thor upang tingnan ang nagsalita ngunit kilala niya kung sino ito. Ito ang boses na kanyang kinamuhian buong buhay. Ang boses ng kanyang nkatatandang kapatid na si Drake.
Lumapi si Drake kasama pa ang kanyang dalawang kapatid habang nakatingin kay Thor na parang nanghuhusga.
"Ang pangalan niya ay Thorgrin, mula sa angkan ng mga McLeod sa timog probinsya sa silangan ng kaharian. Siya ang bunso sa apat na magkakapatid. Magkakasama kami sa iisang bahay. Siya ang tagapagalaga ng mga tupa ng aming ama"
Sabay saby na nagtawanan ang mga kalahok at mga kawal sa kanilang nalaman.
Namula sa kahihiyan si Thor;gusto niyang mamatay sa oras na iyon. Ngayon lamang siya nahiya ng ganito. Ganoon palagi ang kanyang mga kapatid, na nais palaging agawin ang atensyon mula sa kaniya at gawin ang lahat upang pabagsakin siya.
"Nagaalaga ng tupa?" Ulit ng heneral
"Naku, kailangang magingat ang mga kalaban sa kanya!" Sigaw ng isang kalahok
Muling nagtawanan ang mga tao na mas lalong nagpahiya kay Thor.
"Tahimik!" Sigaw ni Kendrick
At agad tumahimik ang mga tao.
"Mas nanaisip ko pang tanggapin ang isang tagapagalaga ng tupa na kayang tamaan ang marka kaysa sa inyo na walang ibang kayang gawin kung hindi ang tumawa",dagdag ni Kendrick
Katahimikan ang bumalot sa mga kalahok na tumigil na sa kakatawa
Malaki ang pasasalamat ni Thor kay Kendrick. Gagawin niya ang lahat upang makabawi dito. Ano man ang kahihiyan ang dumating kay Thor, nariyan si Kendrick upang ibalik ang kanyang lakas ng loob.
"Alam mo ba bata na hindi kailanman gagawin ng isang tunay na mandirigma ang ipahiya ang kanyang mga kaibigan, lalong lalo na ang kanyang saring kadugo?",tanong ni Kendrick kay Drake