Huminga ng malalim si MacGil habang nagiisip. Katahimikan ang bumalot sa silid at ramdam niya ang paghihintay ng mga anak. Tumingin siya sa bawat mga mata nito at nakakia ng ibat ibang ekspresyon. Kalmado lamang ang anak sa labas dahil alma niyang hindi siya maaring mapili. Nagniningning naman ang mata ng suwail. Punong puno ng pagasa. Umaasa na kanya na mapupunta ang trono. Nakatingin lamang sa labas ang lasing na anak. Walang pakialam. Ang anak na babae naman ay punong puno ng pagmamahal ang mga tingin sa ama kahit na alam niyang hindi sa kanya mapupunta ang trono. Pati ang anak na bunso.
"Kendrick, isa kitang tunay na anak. Ngunit naaayon sa batas na maari lamang ipasa ang trono mula sa mga lehitimong anak ng hari."
Tumungo si Kendrick, "Ama, hindi po akong umaaasa sa inyong trono. Kuntento na po ako sa buhay na inyong ibinigay. Huwag po kayong magalala sa akin."
Masakit para kay MacGil ang mga nasambit ng anak. Totoo ito at mas lalo niyang ninais na ibigay na lamang ang trono dito.
"Apat na lamang layong natira. Reece, isa kang mabuting tao, isa sa mga pinakamahusay na nakilala ko. Ngunit masyado ka pang bata para dito"
"Inasahan ko na po ito ama." Sagot ni Reece sabay tungo.
"Godfrey, isa ka sa tatlo kong lehitimong anak. Ngunit mas pinili mong sayangin ang buhay mo at itapon sa pagiinom. Ibinigay sayo ang lahat ng pribilehiyo sa buhay ngunit sinayang mo lamang lahat ito. Kung mayroon man akong pinanghihinayangan sa buhay, ikaw yun."
Sumimangot lamang si Godfrey at umiwas ng tingin sa ama.
"Kung gayon, marahil ay maari na akong umalis at bumalik sa aking pagiinom. Tama ba ama?"
Tumayo ito at naglakas palapit sa pintuan ng silid.
"Bumalik ka dito!" Galit na sigaw ng hari.
Ngunit nagpatuloy ito sa paglalakad at hindi pinakinggan ang ama. Pagbukas niya ng pintuan, dalawang kawal ang nakatayo sa labas nito.
Galit na galit na tumingin si MacGil sa mga kawal na hindi sigurado sa dapat gawin.
Ngunit hindi na nagpaligoy ligoy pa si Godfrey. Agad nitong nilampasan ang dalawang kawal.
"Ikulong niyo siya!" Sigaw ni MacGil. "At huwag ninyo itong hahayaang makita ng reyna sa araw ng kasal ng kanyang anak."
"Masusunod mahal na hari", at agad nilang isinirado ang pintuan at sinundan si Godfrey.
Naupo lamang si MacGil, huminga ng malalim upang kumalma. Ilang beses na niyang inisip kung bakit ganoon ang kinahinatnan ng kanyang anak.
"Dalawa na lamang kayo," pagpapatuloy niya, "at mula sa inyo, nakapili na ako ng aking tagapagmana."
Tumingin si MacGil sa anak na babae.
"Ikaw iyon Gwendolyn."
Nagulat ang lahat ng nasa silid. Lalo na si Gwendolyn.
"Tama ba ang sinabi ninyo ama?" Tanong ni Gareth. "Si Gwendolyn?"
"Salamat ama," sabi ni Gwendolyn, "ngunit hindi mo po ito matatanggap. Isa po akong babae."
"Tama. Kailanman ay wala pang babae na umupo sa trono ng mga MacGils. Ngunit napagisipan ko na marahil ay tama lamang na baguhin ang tradisyon. Gwendolyn, isa kang mabuti at mapagmahal na babae. Bata ka pa ngunit tanggapin mo ito. Hindi pa ako mamamatay ngunit sa pagdating ng araw na iyon, alam mo na ang dapat gawin. Sa iyo na ang kaharian."
"Ngunit ama!" Sigaw ni Gareth. "Ako ang panganay sa mga lehitimo mong mga anak. Sa kasaysayan ng mga MacGil, palaging ang lehitimong panganay ang nagmamana ng trono."
"Ako ang hari." Tugon ni MacGil. "Ako ang gumagawa ng tradisyon."
"Ngunit hindi ito patas!" Sigaw ni Gareth na nanginging sa galit. "Ako dapat ang maging hari. Hindi ang aking kapatid na isang babae."
"Tahimik!" Sigaw ni MacGil, "anong karapatan mong pagdudahan ang aking desisyon?"
"Sa tingin niyo ba ay mas magaling sa akin ang isang babae? Iyon ba ang naiisip ninyo?"
"Buo na ang desisyon ko." Ang sabi ni MacGil. "Irerespeto mo ang aking desisyon kagaya ng lahat ng aking mga kinasasakupan. Maarin na kayong umalis."
Nagbigay galang ang mga anak, tumungo at sabay sabay na lumabas ng silid.
Ngunit huminto si Gareth sa may pintuan, hindi niya magawang umalis.
Bumalik ito at nilapitan ang ama.
Nakikita ni MacGil ang panghihinayang sa mukha ni Gareth. Malinaw na inasahan nitong siya ang papangalanang maging tagapagmana sa trono. Pinangarap niya ito. Desperado ito na makuha ang trono at hindi na ito ikinagulat ni MacGil. Ito din ang dahilan kung bakit hindi niya ito pinili.
"Bakit mo ako kinamumuhian ama?" Tanong ni Gareth
"Hindi kita kinamumuhian anak. Hindi lamang kita nakikita na karapatdapat para pamunuan ang kaharian."
"At bakit?" Giit ni Gareth
"Dahil desperado ka sa kapangyarihan."
Nagdilim ang mukha ni Gareth. Nakita ni MacGil ang galit para sa kanya sa mga mata ng kanyang anak.
Ng walang kahit anong salita, nagmadaling umalis si Gareth palabas ng silid.
Biglaang nanghina si MacGil. Hindi niya makalimutan ang titig ng kanyang anak na puno ng galit at pagkamuhi na mas matindi pa kaysa sa kanyang mga kaaway. Dahil doon, ay naalala niya ang sinabing babala ni Argon.
Ito na ba ang sinasabing panganib sa buhay niya?
IKAANIM NA KABANATA
Nagtatakbo papasok ng malawak na arena si Thor sa abot ng kanyang makakaya. Sa kanyang likod ay naririnig niya ang mga kawal na humahabol sa kanya. Hinabol nila si Thor sa gitna ng mainit at maalikabok na arena habang nagsisigaw. Papalapit na siya sa kinaroroonan ng mga miyembro ng Legion, ang mga nakahilera na mga nagboluntaryo-dose dosenang mga kalalakihan tulad niya, ngunit mas matanda at mas malalakas. Sila ay sinasanay at hinuhusgahan sa paggamit ng ibat ibang sandata tulad ng pana at sibat. May mga nakahilera na mga patamaan na kailangan nilang tamaan. Ito ang kompetisyon para kay Thor.Nabibilang sa mga ito ang dose dosenang mga mandirigma, miyembro ng Silver, nakatayo at pinagmamasdan ang mga nagaganap na paligsahan. Unti unti na silang pumipili kung sino ang karapat dapat ng umuwi at kung sino ang magpapatuloy.Alam ni Thor na kailangan niyang patunayan ang kanyang sarili sa harap ng mga ito at pabilibin ang lahat. Maya maya lamang ay maabutan na siya ng mga humahabol sa kanya. Kung may pagkakataon upang ipakita ang kanyang kakayahan, ngayon na ito. Ngunit paano? Kailangan niyang magisip ng mabilis ng paraan.Habang tumatakbo si Thor at nagiisip ng susunod niyang plano, Ilan sa mga kalahok ay napatigil upang saksihan ang nangyayaring kaguluhan, maging ang mga kawal. Makalipas ng ilang segundo, lahat ng atensyon ay nakatuon na kay Thor. Lahat sila ay mukhang nagtataka at nagtatanong kung sino ba siya, na tumatakbo sa gitna ng paligsahan, at hinahabol ng tatlong kawal. Hindi ito ang paraan na ginusto niya upang mapansin ng mga tao. Buong buhay niya, simula ng hangarin niyang mapasali sa Legion, hindi kailanman pumasok sa isip niya ang pangyayaring ito.Habang tumatakbo so Thor at nagiisip ng maari niyang gawin, isa sa mga kalahok ang sinubukang magpakitang gilas sa pamamagitang ng pagpigil kay Thor. Isang malaking lalaki. Matangkad at halos doble sa laki ni Thor. Itinaas nito ang kanyang espada na yari sa kahoy upang harangan si Thor. Nakita ni Thor kung gaano kapursigido ang lalaki na kalabanin siya, at ipahiya siya sa harap ng madaming tao at ang makaangat sa ibang mga kalahok.Walang dahilan si Thor upang kalabanin ang lalaki, hindi niya ito laban. Ngunit pinipilit nitong angkinin ang laban upang makaangat.Habang papalapit ang lalaki, hindi makapaniwala si Thor sa laki nito. Ito na ata ang pinakamalaking katawan na nakita niya sa buong buhay niya. Hindi alam ni Thor kung paano niya kakalabanin ito.Ipinuwesto ng lalaki ang kanyang espada na yari sa kahoy at alam ni Thor na kung hindi siya agad kikilos, mapapabagsak siya nito.Parang kusang kumilos ang katawan ni Thor. Agad niyang kinuha ang tirador at agad pinatamaan ang kamay ng lalaki. Sumakto ang bato sa kanyang kalaban at agad nitong nabitawan ang kanyang espada. Tumalsik ang espada at napaluhod ang lalaki sa sobrang sakit.Wala ng sinayang na oras si Thor. Ginamit niya ang pagkakataon habang bagsak ang lalaki. Tumalon si Thor at bumagsak ang paa nito sa dibdib ng lalaki. Ngunit masyadong matigas ang lalaki at pakiramdma ni Thor ay sumisipa siya sa isang matigas na punong kahoy. Bahagya lamang na nasaktang ang lalaki, bigya itong tumayo. Natapilok naman si Thor.Hindi ito ang dapat mangyari, isip ni Thor habang bumagsak siya sa lupa.Sinubukan ni Thor ang makatayo ngunit umatake agad ang lalaki. Binuhat niya si Thor at inihagis muli hanggang sa bumagsak si Thor sa lupa.Ilang grupo ng mga lalaki ang pumalibot sa kanila at nagpapalakpakan. Namula si Thor sa sobrang kahihiyan.Sinubukan muling bumangon ni Thor ngunit masyadong mabilis ang lalaki. Nasa ibabaw niya agad ito hanggang sa maging labanan na ito ng pabigatan ng katawan.Naririnig ni Thor ang lumalakas na mga sigawan ng mga ibang kalahok na pumalibot sa kanila. Itinaas ng lalaki ang hinlalaki nito at itinuon sa mata ni Thor. Hindi makapaniwala si Thor, nais talaga ng lalaki na pahirapan at saktan siya. Ganoon ba niya talaga kagusto na mas makaangat?Sa huling segundo, inuntog ni Thor ang lalaki na nagbigay sa kanya ng pagkakataon para makawala sa lalaki.Nakatayong muli si Thor at hinarap ang lalaki na agad ring nakatayo. Ibinuhos ng lalaki ang kanynag buong lakas upang suntukin si Thor sa mukha ngunit nakaiwas ito;naramdaman ni Thor ang lakas ng kamao ng lalaki na muntikan ng tumama sa kanya. Kung hindi niya ito naiwasan, marahil ay basag na ngayon ang kanyang panga. Agad sinuntok ni Thor sa sikmura ang lalaki ngunit wala itong naging epekto;para itong isang puno.Bago pa man makakilos muli si Thor ay siniko na siya nito sa mukha.Napagtaob si Thor. Para siyang pinukpok ng martilyo sa sobrang lakas.Habang sinusubukan ni Thor na bumalik ang kanyang lakas, sinipa siya ng malakas sa dibdib ng malaki. Muling tumilapon si Thor at bumagsak sa lupa. Nagpalakpakan at nagsigawan muli ang mga manunuod.Si Thor, na hilong hilo, ay sinubukan na makaupo ngunit sinuntok siyang muli ng lalaki na nagpabagsak muli sa kanya at sa pagkakataon na ito, hindi sigurado ni Thor kung kakayanin pa niyang makabangon.Nakahiga lamang doon si Thor sa lupa habang pinapakinggan ang mga hiyawan ng mga manunuod at nalalasahan ang dugo na galing sa kanyang ilong. Namaluktot siya sa sobrang sakit. Iniangat niya ang kanyang ulo at nakita niyang pabalik na ang lalaki sa kanyang mga kaibigan upang ipagdiwang ang kanyang pagkapanalo.Gusto nang sumuko ni Thor. Masyadong malakas ang lalaking ito. Isang kahibangan ang pagsubok niya na kalabanin ito. Hindi na niya kakayanin. Ngunit may bahagi niya ang tumutulak sa kanya na lumaban. Hindi siya maaring matalo. Hindi maari lalo na sa harap ng mga taong ito.Huwag kang sumuko. Tumayo ka. Tayo!Bahagyang nanumbalik ang lakas ni Thor. Dahan dahan niya itinuon ang mga kamay hanggang sa makatayo na ito. Hinarap niya ulit ang lalaki. Puno ng dugo ang kanyang mukha, namamagang mga mata at mahirap na paghinga. Ngunit itinaas muli ni Thor ang kanyang kamao.Lumingon ang lalaki at tinitigan si Thor. Hindi ito makapaniwala sa nakikita."Nanatili ka na lang sanang nakahiga bata," banta ng lalaki habang papalapit kay Thor."TAMA NA!" Isanng boses ang sumigaw. "Elden, awat na!"Isang kawal ang dumatin at pumagitna sa dalawa. Tumahimik ang mga manunuod. Isa itong kawal na nirerespeto ng lahat.Tumingin si Thor sa prisensya ng isang mandirigma. Nasa ikadalawamput taong gulang na ito, matangkad, malapad na mga balikat, pakwadradong mga panga at buhok na kulay lupa. Nagustuhan agad siya ni Thor. Nakamamangha ang kasuotan nito na yari sa metal, na may mga simbolo ng hari; ang symbolo na agila ng mga MacGil. Natuyo ang lalamunan ni Thor: nakatindig sa kanyang harapan ang isang miyembro ng pamilya ng mga MacGil. Hindi siya makapaniwala""Ipaliwanag mo ang iyong sarili bata," sabi ni Thor, "bakit ka pumasok ng hindi naiimbitahan?"Bago pa man makasagot si Thor, biglaang dumating ang tatlong kawal na humahabol kay Thor. Huminto ang pinunong tagabantay, hinahabol ang kanyang paghinga habang nakaturk kay Thor."Sumuway po siya sa aming utos!" Sigaw ng tagabantay. "Ikakadena ko po siya at ikukulong sa bartolina.""Wala akong ginawang masama" palaban na sagot ni Thor"Wala?" Tanong ng tagabantay. "Nagpumilit kang pumasok sa pagaari ng hari ng walang pahintulot o imbitasyon.""Gusto ko lamang ng pagkakataon.!" Sigaw ni Thor habang nakatingin sa kawal na miyembro ng pamilya ng hari. "Gusto ko lamang mabigyan ng pagkakataon na makasali sa Legion.""Ang lugar na ito ay para lamang sa mga napili at naimbitahan." Isang boses ang biglang nagsalitaIsang mandirigma ang dumating, nasa ikalimampung taong gulang, makisig, nakakalbong buhok, maikling bigote at marka ng sugat sa kanyang mukha sa bandang ilong. Sa kanyang tindig, makikita na siya ay naging isang mahusay na mandirigma buong buhay niya. At base sa mga simbolo na nakaukit sa kanyang kasuotan, malalaman na siya ang pinuno ng lahat ng mga kawal at mandirigma. Bumilis ang tibok ng puso ni Thor pagkakita dito:isang heneral."Hindi ako inimbitahan ginoo,"paliwanag ni Thor. "Iyon ang katotohanan. Ngunit buong buhay ay pinangarap ko na makarating dito. Nais ko lamang mabigyan ng pagkakataon na maipakita ang kaya kong gawin. Na kasing galing ako ng mga naririto. Bigyan niyo lamang ako ng isang pagkakataon. Pakiusap. Ang pagsali sa Legion ang tangi kong pangarap.""Ang lugar na ito ay para sa pakikipaglaban bata. Hindi para sa mga nangangarap." Sagot ng heneral. "Para ito sa mga mandirigma. Walang maaring magbago sa aming patakaran:napili na ang mga kalahok"Lumingon ang heneral sa mga kawal at agad lumapit ang mga ito upang ikadena si Thor.Ngunit bigla silang hinarang ng mandirigma na miyembro ng pamilya ng hari."Marahil sa araw na ito ng pagdiriwang, maaring nating suwayin ang patakaran" aniya.Tumingin lamang ang heneral sa nasabing ginoo. Nais nitong sumaliwat ngunit hindi niya ito maaring gawin sa pamilya ng hari."Nakakahanga ang determinasyon mo bata" pagpapatuloy ng mandirigma. "Bago ka namin paalisin, nais kong makita ang kaya mong gawin.""Ngunit Kendrick, may mga sinusunod tayong patakaran, " ang sigaw ng heneral"Ang pamilya ng hari ang gumagawa ng mga patakaran" ang sambit ni Kendrick, "at ang Legion ay tagasunod lamang sa mga ito.""Sumusunod kami sa hari, hindi sa iyo." Sagot ng heneralNagkaroon ng katahimikan sa buong paligid. Hindi makapaniwala si Thor sa kanyang nasasaksihan."Kilala ko ang aking ama at kung ano ang kanyang gugustuhing gawin. Nanaisin rin niya na bigyan ng pagkakataon ang batang ito. At iyon ang ating gagawin."